Lalaking may road rage, binaril nang anim na beses ang kotse ng isang babae sa Washington!

Hinahanap ng pulis sa Washington State ang isang driver na binaril ang kotse ng isang babae, sa isang road rage na insidente sa Tacoma noong Linggo.

Nagmamaneho si Kaitlyn Young sa Interstate five sa Fife, nang napansin niyang sinusundan siya ng isang gold 1990s Buick.

Tumabi sa kanyang ang driver, na isang payat na African-American, sinigawan siya mula sa kanyang bukas na bintana, at naglabas ng baril.

Binilisan ni Young ang pag-andar ng kanyang sasakyan, at binaril ng lalaki nang anim na beses ang kanyang kotse.

Lumipat sa center lane si Young, at mabilis na tumakbo paalis ang Buick.

Dahil walang cell phone si Young, nagmaneho siya ng dalawampung milya sa bahay ng kanyang boyfriend sa Renton, kung saan nagtawag na siya ng pulis.

Pulis na naghahanap sa suspect ay kasalukuyang nire-review ang highway surveillance camera footage, at naghahanap din sila ng mga bullet casings, para makilala ang sasakyan ng suspect.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH