Xbox murder: Teenagers, binugbog at pinatay ang isang mentally challenged na lalaki!

Mentally challenged na lalaki, pinatay para lang sa Xbox.

Dalawang 18-year-old na lalaki sa Boulder, Colorado ang nakasuhan ng first degree murder, matapos nilang bugbugin at patayin ang isang lalaki, habang nagnanakaw sila ng Xbox.

Ang dalawang teenagers ay pinasok diumano ang bahay ni Aaron Tuneberg, isang mentally disabled na lalaki, noong March 31.

Sina Austin Holford at Luke Pelham ay binugbog diumano ang lalaki, gamit ang baseball bat at golf club.

Ninakaw nila ang Xbox game console ni Tuneberg, at tinangkang itapon ang mga gamit na pinambugbog nila sa biktima.

Ayon sa abogado ni Pelham, may mental condition daw ang kanyang kliyente, kung saan mabilis siyang maimpluwensiyahan ng iba -- at niloko daw siya ni Holford, na inasulto dawn g biktima ang girlfriend ni Holford, para pumayag siya sa pagpatay kay Tuneberg. Ayon din sa abogado, tumawag daw sa pulis si Pelham, kaya hindi niya talaga intensiyon na pumatay.

Namatay si Aaron Tuneberg noong April 9. Parehong naaresto at nakasuhan ng first degree murder si Pelham at ang mastermind na si Holford.

Sinabi raw ni Holford sa pulis na nagnakaw siya para makakuha ng sapat na pera, para makaalis mula sa Boulder -- pero wala siyang maibigay na dahilan para sa pagpatay kay Aaron Tuneberg, na ayon sa kanyang pamilya ay isang inosente at mabait na tao.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH