San Francisco 49ers Aldon Smith, naaresto dahil sa bomb threat sa LAX!

49ers Aldon Smith: Bawal magbanggit ng bomba sa airport!

Kung gaano niya ka-hate ang Seattle Seahawks, ay ganoon din ka-hate ni Aldon Smith ang airport security.

Naghihintay siya sa pila ng security check sa LAX Terminal 1, alas dos ng hapon noong Linggo...

Nang siya ay random na napili para sa isang secondary security check. Ayon sa pulis, ay naging pasaway ang football player.

May sinabi raw si Smith sa TSA agent, na nagpapahiwatig na may dala siyang bomba.

Ang linebacker at hindi raw nakipag-koopera sa mga awtoridad, at sumigaw ito ng, "wala naman akong ginawang masama."

Itong si Number 99 ay na-detain ng airport police, habang hinalungkat ng mga agents ang kanyang bag -- na walang bomba.

Sya ay na-book at na-charge ng 'false report of a bomb.'

Si Smith ay nakapagpiyansa rin ng 20,000 USD, at maaring makulong ng isang taon.

Sa tingin niyo ba ay umasa si Smith na makakakuha siya ng special treatment? O nagalit siya dahil feeling niya, siya ay naging target?

Mag-iwan po ng opinyon sa comments.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH