LAPD, hindi sinasadyang napatay ang producer ng Tosh.0 na si John Winkler!

Tosh.0 production assistant, aksidenteng nabaril at napatay ng pulis!

Sa isang kaso ng mistaken identity,
Nabaril ng mga Los Angeles County sheriff deputies si john Winkler, isang 30-year-old aspiring producer,
Na kailan lang ay naging production assistant sa Tosh.0.

Si Winkler at isa niyang kaibigan ay nakatambay sa apartment ng kanyang kapitbahay sa West Hollywood.

Ang kapitbahay ay may roommate -- si Alexander McDonald...
Na nagdesisyong pasukin ang sarili niyang apartment, sa pag-akyat ng balcony, dala ang isang 10-inch na butcher knife.

Nagwala si McDonald, at pinasasaksak at inaway ang mga lalaki.

Rumispondi ang mga pulis sa isang tawag tungkol sa isang payat na lalaking nakasuot ng itim na t-shirt, na nananakit sa loob ng apartment.

Isang biktima ang nakatakas, at isang lalaking ka-match ang description ng suspect ang kasunod nito.

Pumasok sa apartment ang mga pulis, at natagpuan nilang sinasakal ni McDonald ang pangatlong biktima. Siya ay naaresto.

Pero akala ng ibang pulis, ay patulog pa rin ang pag-asulto, at binaril nila si Winkler, na napagkamalan nilang suspect.

Ang mga deputies ay nailagay sa leave, pero babalik ng trabaho sa darating na linggo.

Si McDonald ay nag-plead ng not guilty sa torture, murder, at dalawang kaso ng attempted murder.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH