NYPD, pinatay ang matandang lalaki, na binaril ang sariling anak at aso!

NYPD, binaril at pinatay ang isang bingi na 86-year-old na lalaki, na shinotgun ang kanyang anak na babae at alagang aso.

Itinawag ang New York police sa isang bahay sa Astoria, Queens, noong Sabado, matapos tumawag ang isang 86-year-old na lalaki sa 911, para sabihin na binaril niya ang kanyang anak at aso.

Ang 86-year-old na si Jack Calvello, na isang bingi, ay binaril ang kanyang 65-yeear-old na anak na babae sa ulo, gamit ang isang 12 gauge shotgun.

Binaril din ni Calvello ang kanilang aso, na isang brown yokrshire terrier.

Pagdating ng NYPD, sumilip sila sa bintana ng bahay, at nakitang papalapit si Calvello, dala ang shotgun.

Dalawang batang lalaki na naglalaro ng basketball sa tapat ng bahay, ang nakasaksi at nakarinig na binalaan ng pulis si Calvello na ibaba ang kanyang baril.

Pero hindi ito ginawa niCalvello, at binaril siya nang dalawang beses sa dibdib ng isang officer.

Ang anak ni Calvello, na si Carol Ann Matyka, ay kinumpirmang patay sa ospital, pero naligtas ang kanilang aso.

Nagulat ang mga kapitbahay sa biglaang barilan na ito, at may nagsasabing si Calvello ay basta na lang 'nag-snap' at nawalan ng kontrol.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH