Canadian sex study: mga lalaki, mahilig sa mga threesomes!

Ayon sa isang napaka-obvious na report -- mahilig sa threesomes ang mga lalaki!

Sa tinagal-tagal na panahon, ay nahirapan tayong sagutin ang tanong na, "ano ba ang gusto ng mga babae?"

Ngayon, salamat sa isang pag-aaral mula sa University of Ottawa, alam ng mga researchers kung ano ang HINDI gusto ng mga babae.

At iyan ay ang makipag-threesome sa dalawang lalaki. No, thank you!

Ang pag-aaral, na tinawag na "Attitudes Toward Casual Sex, Dating, and Committed Relationships with Bisexual Partners," ay nai-publish sa Journal of Bisexuality noong March.

Tinanong ng mga researchers ang pitong daang mga Canadians, kung okay ba sila na makipag-threesome sa dalawang miyembro ng opposite sex.

Okay na okay para sa mga lalaki ang sabay na makipag-sex sa dalawang babae. Pero walang babae ang nais na sabay na makipag-sex sa dalawang lalaki, anuman ang sitwasyon.

Hindi na nagtanong ang mga researchers kung okay ba sa mga tao ang iba't ibang kombinasyon.

Samantala, ang ginastos nila para malaman ang nakapa-obvious na sagot, ay maaring magpakain ng pitong daang Canadians na may blue balls!

Ayon din sa oag-aaral, isa sa sampung lalaki ang nakapag-threesome na, kasama ang dalawang babae. Hinihintay namin ngayon ang pag-aaral na maipapakita na isa sa sampung lalaki ay sinungaling!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH