US Congressman na may asawa, nahuling hinahalikan ang ibang babae!

Si Vance McAllister ay isang congressman mula sa Louisiana, at siya raw ay binoto ng mga mamamayan dahil siya ay isnag mabait na Kristiyano.

Pero nagpunta siya sa Washington, at mukhang malaki ang kanyang ipinagbago!

Ang ama ng lima, na labing-anim na taon nang kinasal sa kanyang asawa, ay nahuling nambabae!

Ang kanyang 'other woman' ay ang 34-year-old na si Melissa Peacock, isang babaeng may asawa rin, na nagta-trabaho bilang district scheduler ni McAllister. Ayan siya sa birthday party ng isa sa mga anak ni McAllister.

Mukhang magaling siya sa kanyang trabaho, dahil nagkaroon siya ng maraming oras para sa ibang mga aktibidad.

Ito ang alam natin: sa loob ng opisina ng congressman, may isang taong nakakuha ng video na ito at pinadala ito sa Ouachita Citizen, na pinakita sa buong madla!

Sa panig naman ni McAllister, ay hindi siya nag-deny ng kahit na anong pagkakamali, at humingi lamang siya ng tawad mula sa lahat ng tao. Siyempre - tatakbo pa siya sa Nobyembre, at kakailanganin niya ang suporta ng mga kaibigan, at babaeng hindi paniya nakaka-affair.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH