Lalaki, ginawang hostage ng roommates, at nilagyan ng mga bastos na tattoo!

Lalaki, ginawang hostage ng kanyang mga roommates, na kanilang binugbog at nilagyan ng tattoo!

Ang katawan ng isang lalaki sa Philadelphia ay natadtad ng mga malalaswang imahe at masasamang salita, matapos siyang asultuhin, ikulong, at pilit na nilagyan ng tattoo ng kanyang mga kasambahay.

Ang 52-year-old na lalaki ay ginawang hostage ng kanyang mga roommates, sa isang basement apartment sa Mayfair, Philadelphia, nang tatlong araw -- kung saan tinattoo nila ang katawan ng lalaki, ng isang dosenang bastos na salita at bastos na drawing.

Nang nagtangkang tumakas ang lalaki, binugbog siya ng mga suspects. Nagkaroon siya ng sugat at pasa sa kanyang mukha, paa, at katawan -- at namaga ang kanyang mga kamay.

Martes ng umaga, habang natutulog ang mga suspets, nakatakas ang kawawang lakaki at tumawag sa pulis.

Natagpuan ng mga awtoridad ang apat na suspects, na natutulog pa rin pagdating nila sa eksena.

Ang apat na suspects ay nakasuhan ng sampung magkakaibang krimen -- kabilang na dito ang aggravated assault, simple assault, kidnapping at robbery.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH