Smart Car Tipping - biro, o gawaing may social message?

Smart Cars, umabot na sa tipping point, sa wakas!

Iilang mga Smart Car owners sa San Francisco ang na-shock nang nadiskubre nila ang kanilang 1800-pound na pride and joys, ay naging target ng mga vandals na nagsagawa ng tipping frenzy noong Lunes.

Hindi ganitong klasng tip ang tinutukoy naming ha.

Ang unang kotse ay natagpuang nakabaligtad, ala una ng madaling araw.

Makalipas ang sampung minuto, nakahanap ang pulis ng pangalawang kotse, na napatagilid.

Ang ikatlong kotse ay nakitang napaupo, ala una y medya ng umaga.

Ang ikaapat, at sa ngayon, huling biktima, ay nakatagilid, alas nuwebe ng umaga.

Lahat ng mga kotse ay may nabasag na salamin, at maliit na pinsala sa katawan.

Lahat ay natagpuan sa Bernal Heights, kung saan ang pagtaas ng araw-araw na panggastos ay sinisisi sa tech industry.

Hinahanap ng pulis ang mga suspects na nakasuot ng itim na hoodies...hmmm...

Ito ba ay isang random prank? O gawa ng taong nagagalit dahil hindi naging matagumpay ang kanilang pagiging high school dropout, kumpara sa ibang tao?

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH