Lalaki sa Kansas, pinugutan ng ulo sa pamamagitan ng kuwerdas ng gitara!

James Harris, nag-plead ng innocent, sa isang karumal-dumal na pagpugot ng ulo ng isang lalaki, sa pamamagitan ng tali ng gitara.

Ang 49-year-old na si James Gerety ay may balak na lumipat sa bahay ni James Harris sa Carbondale, Kansas, noong 2011.

Pero napatay si Gerety, at naging prime suspect si James Paul Harris.

Ang dating girlfriend ni Harris na si Bobbie Williams, ay nagtestigo na sinabi sa kanya ni Harris na binaril niya sa Gerety sa tiyan.

Pagkatapos, ay tinorture niya ang biktima nang dalawang araw sa kanyang bahay, kung saan siya ay nagpa-practice ng voodoo.

Pagkatapos, ay gumamit ng guitar string si Harris, para pugutan ng ulo so Gerety. Ito ay ayon pa rin sa testimonya ni Williams.

Tinapon ni Harris ang katawan ni Gerety sa isang bariles, at ibinaon niya ito sa lupa na pinagma-may-ari ng kanyang ama.

Inilagay ni Harris ang ulo ni Gerety sa isang canvas bag, at kinausap ito, bilang parte ng kanyang ritwal sa kanyang relihiyon.

Isang taon matapos ang pagpatay ay Gerety, ang girlfriend ng ama ni Harris na si Shirley Johnson, ay natagpuan ang bungo ng biktima.

Dinala niya ang bungo sa ama ni Harris, na nireport ito sa mga awtoridad, noong 2012.

Si Harris ay nag-plead ng innocent sa premeditated first-degree murder, at naghihintay ng kanyang trial sa Osage County Jail.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH