Surprise Me!

Singer Chris Brown, nagyabang na magaling siyang mambaril; balik ulit sa jail

2015-04-14 12 Dailymotion

Singer Chris Brown, nagyabang na magaling siyang mambaril; balik ulit sa jail

Chris Brown, panay banggit sa baril at kutsilyo -- nauwi na naman sa bilangguan.

Ang singer/actor na si Chris Brown ay kasalukuyang isinasagawa ang court-ordered rehab, dala ng kanyang pananakit kay Rihanna noong 2009.

Pero mukhang mahilig pa rin siyang magsalita tungkol sa mga bayolenteng gawain at bagay, kaya nauwi na naman siya sa jail.

Sa isang group therapy session sa Malibu, pinagsalita si Chris tungkol sa bagay kung saan siya ay magaling. Ang pinili niyang topic? Baril at kutsilyo!

Nang nabalitaan ito ng judge, pinatanggal niya ang probation ni Chris, at pinabalik ang singer sa bilangguan ng isang buwan para pag-isipang mabuti ang kanyang therapy.

Hindi ito kumpirmado, pero nabalitaan din ng judge na si Chris ay hinipuan ang isang babae sa rehab.

Dineny ito ni Chris, at sinabing hinawakan lang niya ang siko ng babae para makuha ang atensiyon nito.

Marami pang ibang factor sa insidente, gaya ng pag-ayaw ni Chris na kumuha ng drug test noong isang buwan. Siya ay naka-schedule na magpakita sa korte sa April 17, para sa pakikipag-away niya sa isang photographer -- pero ang kaso ay maaring ma-delay dahil sa kasalukuyan niyang sitwasyon.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon