Lalaki, nagkunwaring podiatry student, para masipsip ang daliri ng paa ng mga babae!

Lalaki, nagkunwaring podiatry student para matupad ang kanyang foot fetish.

Isang lalaki ang sinisipsip ang daliri ng paa ng iba't ibang babaeng customer, sa footwear department ng Walmart.

Ang sales technique ng lalaking ito ay napakabulok.

Siya si Michael Brown, at siya ay naaresto matapos siyang maakusahan ng panloko sa isang Walmart shopper, para masipsip niya ang daliri ng paa nito.

Ang biktima at ang kanyang anak na babae ay nagsha-shopping sa North Carolina Walmart footwear section, nang nilapitan sila ng weirdo, at sinabing siya ay nag-aaral para maging doktor ng paa.

Tinanggap ng biktima ang kanyang tulong, at pumayag na kunan ng lalaki ng litrato ang kanyang paa -- na for research daw.

At doon nag-iba ang ihip ng hangin. Sinubo ng lalaki ang paa ng babae,

Na nagulat at natakot, at hinila palabas ng bibig ng lalaki ang kanyang paa!

Dito natauhan ang lalaki at humingi ng paumanhin sa babae...

At inalik na bayaran ang bilihin ng babae bago ito umalis sa tindahan.

Ayon sa pulis, may isa pang babae ang nabiktima ni Brown noong araw na iyon, na ini-report ang nangyari sa mga awtoridad; si Brown pala ay isang sex offender na mahilig talaga sa paa ng babae!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH