Prime Minister ng Turkey, naglagay ng ban sa Twitter; napahiya lang!

Turkey, binan ang Twitter, walang nangyari.

Noong Huwebes, sa isang nakakaawang pagpigil ng pagkalat ng alegasyon ng corruption laban sa kanyang pamumuno, binan ng Prime Minister ng Turkey na si Tayyip Erdogan ang Twitter.

Ang pag-ban na ito ay dumating, matapos kumalat sa Twitter ang mga voice recordings at dokumento, na nagututuro sa napakalaking corruption sa administrasyon ni Erdogan.

Dahil parating na ang eleksiyon sa March 30, nag-aalala si Erdogan na mas marami pang recordings ang maaring kumalat, kaya nagpiunta siya sa korte at sa Telecommunications Authority sa Turkey, para i-block ang Twitter.

Mala slang niya, at mas dumami pa ang mga tweets na kumalat sa Twitter, matapos ang pag-ban. Ang hashtag na #TwitterisblockedinTurkey ay naging number one trending term sa buong mundo.

Nag-post ang Twitter ng instructions kung paano mababago ng mga users ang Domain Name Settings sa kanilang PCs at moble devices, para maitago ang kanilang location sa Turkey.

Mabilis ding nag-share ang mga Turkish Tweeters ng mga VPN, sa mga taong gustong mag-connect. Oras na yata para tawagan ni Erdogan si Barbra Streisand.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH