Mag-asawa sa California, nasalo ang isang baby na nahulog mula sa third floor!

Hindi marunong lumipad ang mga bata, kaya buti na lang at marunong sumalo ang lalaking ito!

Sina Konrad at Jennifer Lightner ay paalis mula sa kanilang apartment sa Burbank, California...

Nang napansin nila ang isang tatlong taong gulang na bata, at ang ate nito, na nagbabato ng laruan palabas ng bintana nila, na nasa third floor.

Dahil hindi niya naintindihan na delikado ito, hinabol ng toddler ang kanyang mga natapon na laruan.

Buti na lang at napasabit sa mga phone wires na nakakabit sa gilid ng kanilamg building.

Nakita ng Lightners na nakasabit ang bata, at binitawan nila ang kinakarga nilang kama.

Tumawag sila sa 911 at nagdasal na huwag mabali ang --- oops!

Nahulog ang toddler, at lumanding sa kamay ni Mr. Lightner, na nasalo ang bata, at nailagay ito sa kama nang hindi nasasaktan.

Binigyan siya ng Burbank fire department ng isang personal challenge coin para sa kanyang mabilis na pagkilos.

Suwerte ng bata, at ng kanyang pamilya.

Bravo, Lightners. Bravo.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH