Tindero ng buko sa Florida, binaril ng pulis dahil sa dala nitong machete!

Pulis sa Florida, pinatay ang isang tinder ng buko dahil narinig niyang may dala itong machete.

Ang Broward County sheriff deputy na si Paul Yesbeck ay nailagay sa administrative leave, habang iniimbestigahan ang pagbaril at pagpatay niya sa isang lalaking walang armas noong Linggo.

Si Maharaj Deosaran, isang tinder ng buko, ay nabaril at napatay sa kanyang kotse dahil natakot sa kanya si Deputy Yesbeck.

May babae kasi na nagpunta sa Marathon gas station, at sinabing tinakot daw siya ng isang lalaking may machete.

Tinuro ng babae ang truck ng lalaki kay Deputy Yesbeck, na napansin na umaandar ito nang walang ilaw.

Nang pahintuin ni Yesbeck ang truck, bumaba si Maharaj Deosaran.

Bumalik sa truck si Deosaran, at ito ang dahilan kung bakit natakot ang deputy, at binaril ito.

Napa-rolyo sa apat na lanes ang truck ni Deosaran, at napatumba pa nito ang isang puno.

Nakakita nga ng machete ang mga imbestigador, pero nakalagay ito sa likod ng truck, kung saan nakalagay ang mga buko.

Ayon sa mga kaibigan ni Maharaj, siya ay isang tahimik na tao.

Ang kanyang pagkamatay ay ika-siyam na police shooting simula noong Enero, at ika-limang fatal shooting, sa Broward County.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH