Magnanakaw na may baril, natalo ng isang gas station clerk na walang armas!

Isang lalaki sa New Orleans, tinuruan ng leksiyon ang isang magnanakaw!

Nabigyan ng leksiyon ang isang kriminal, nang nagkamali siya ng pagpili ng gas station clerk na kanyang nanakawan.

Nagnakaw ang Tennessee native na si Jimmy Rogers, sa New orlenas, mula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng umaga.

Dala ang isang handgun, hinold-up ni Rogers ang tatlong pedestrians -- isa sa kanila ang nakatakas.

Sa ninakawan niyang dalawang tao, ang nakuha niya lang ay 40USD at dalawang cellphones.

Dito niya naisipang nakawan ang isang Fuel Zone gas station.

Pero nagkamali siya ng pinili niyang makakaaway.

Makikita sa security cam footage na binugbog si Rogers ng gas station clerk nasi Mustafa, na ginamitan siya ng African self-defense techniques, na kanyang natutunan sa Mauritania.

Umalis si Rogers mula sa gas station nang nakahubad, bugbog-sarado, at may suot lang na neck brace.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH