US Army General Jeffrey Sinclair, nag-plead ng guilty sa mga sex cases laban sa kanya!

Army general, nag-plead ng guilty para maibaba ang kasong sexual assault laban sa kanya!

Ang 51-year-old na si Jeffrey Sinclair ay isa sa highest-ranking military officers na naakusahan ng sexual assault.

Nag-plead siya ng guilty, para maibaba ng US Army ang mga kasong naisampa laban sa kanya, noong March 6.

Ang adultery ay ilegal sa military, at habang si Sinclair ay nasa Iraq noong 2009, nagkaroon siya ng affair kasama ang key witness ng kasong ito -- isang 34-year-old na babaeng captain.

Ang kanilang on and off na relasyon ay nagtagal din ng tatlogn taon, pero nag-plead ng guilty si Sinclair sa isa pang military crime -- ang possession of porn.

Ang affair ni Sinclair at ng captain ay nabuo ng open sexual acts sa mga lugar gaya ng hotel balcony sa Tucson, Arizona, at naka-park na kotse sa Germany.

Pero umasim ang reason nang pinilit diumano ni Sinclair ang captain na mag-perform ng oral sex, sa dalawang magkahiwalay na okasyon.

Tinakot niya diumano ang captain at sinabing papatayin nya ito kapag naibulgar ang kanilang affair.

Kinu-kuwestiyon ng defense ang kredibilidad ng babae, at sinasabing siya ay selosa, at ang huli nilang pag-uusap ng general ay napaka-sweet pa, ayon sa mga text messages.

Pumayag na mag-retire bilang Lieutenant Colonel si Sinclair -- iyon ang kanyang rank noong unang magsimula ang kanyang mga affair.

Wala ni isa sa kanyang mga nagawa ay maituturing na krimen para sa isang civilian.

Umaasa ang US Army na matapos na ang high-profile na kasong ito, at isasagawa ang parusa para kay Sinclair, sa darating na linggo

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH