VIDEO: Batang babae, ginigising ang drug addict na ina, sa isang bus sa Philadelphia!

Sinumulan ng Philadelphia police ang isang imbestigasyon noong isang linggo, matapos kumalat ang footage ng isang batang babae na ginigising ang kanyang ina, na lulong sa droga.

Ang nakakagambalang video, na nasa apat at kalahating minute ang haba, at nai-share na nang halos walumpung libong beses, ay pinost ni John Warren sa Facebook, kasama ang caption na, "Junkie mom. Nakakaawa ang batang ito."

Nangyari ang insidente sa Southeastern Pennsylvania Transportation Authority sa Route 66, sa isang lugar na matagal nang napapaligiran ng droga.

Makikita sa video ang ina na lulong sa droga, nakanganga at tila natutulog, sa gitna ng tinatawag na "heroin nod," habang ang kanyang umiiyak na anak na babae ay paulit-ulit siyang tinatawag at ginigising.

Ayon sa mga awtoridad, kahit na ang daming nakakita sa insidente, walang tumawag ng 911.

Ang babae ay hindi pa raw nakakasuhan.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH