Surprise Me!

Southwest Airlines, napilitang i-divert ang eroplano dahil sa magulo at relihiyosong pasahero!

2015-04-14 3 Dailymotion

Southwest Airlines, napilitang i-divert ang eroplano dahil sa magulo at relihiyosong pasahero!

Isang pasahero sa Southwest Airlines ang naaresto, dahil napilitang mag-divert papuntang Portland ang eroplano, dahil sa kanyang kabaliwan.

Si Lemar Sheron Rogers ay sumakay sa eroplano sa Seattle, at agad na nag-utos na siya ay pauupuin sa first class -- pero wala naman first class sa Southwest Airlines.

Hindi rin siya pumayag na ilagay ang kanyang bagahe sa overhead bin. Ang sabi niya, ay gagawin niya ang gusto niyang gawin!

Hindi pa nakapag-take off ang eroplano nang paulit-ulit na pinindot ni Rogers ang call button.

Nang tinanong siya kung ito ba ay emergency, ang sagot niya ay, "Oo! Kailangan ko ng inumin!"

Patuloy niyang pinagpipindot ang call button, habang nagmumura at humihingi ng alak, hanggang sa makalipad na ang eroplano at nasa cruising altitude. Pero nang hindi siya binigyan ng sabay-sabay ng flight attendant ng tatlong basong alak, ito ang kanyang sinigaw:

"Get the eff out of my face! Jesus loves you."

Pagkatapos ay sinabi ni Rogers na gusto niyang makita ang piloto, at nagpakita ng mga gang signs na para daw kay Jesus.

Natakot ang flight attendant, at nagsimulang magpakulo ng tubig, sakaling manggulo sa flight deck si Rogers.

Nagdesisyon ang piloto na i-divert papuntang Portland ang eroplano...kung saan dalawang police officers ang umaresto kay Rogers, na nagsasalita parin tungkol sa diyos.

Inamin din ni Rogers na gumamit siya ng "Purple Hash" bago siya sumakay sa eroplano -- ito ay isang bersyon ng mabigat na Purple Haze marijuana, na ngayon ay legal na sa Washington State.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon