Dalawang employado ng Taco Bell, ninakawan at pinatay ang kanilang manager!

Employado ng Taco Bell, pinatay ang kanilang manager sa isnag pagnanakaw!

Tatlong lalaki sa Montgomery, Alabama, ang kakasuhan ng capital murder, para sa pambugbog, pagbaril at pagpatay sa Taco Bell manager na si Vettia Roche.

Ang 19-year-old na sina Kenneth Temple at Renauldous Chrisholm ay employado sa Taco Bell, na kanilang ninakawan noong Linggo ng gabi.

Si Vettia Roche ay in charge ng bank deposit ng branch na iyon.

Kakalipat lang niya sa Alabama, matapos niyang pagdaanan ang isang malaking buhawi noong isang taon.

Ayon sa mga report, paalis si Roche ng restaurant, nang ginulat siya ng dalawa niyang katrabaho, at isa nilang kasamahan na si Gacolby Green.

Ayon sa pulis, binugbog nila ang biktima, bago nila ito binaril at pinatay. Pagkatapos, ay tinapon nila ang katawan ng biktima sa likod ng restaurant.

Natagpuan ng cleaning crew ang katawan ni Roche, Lunes ng umaga.

Isang bank account para sa donasyon para sa kanyang anak ay binuksan sa Sterling Bank, sa Montgomery.

Samantala, ang mga kaibigan nina Temple at Chrisholm ay hindi makapaniwala sa mga akusasyon na hinaharap ng mga ito.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH