Surprise Me!

Shootout sa Phoenix, Arizona: suspect at pulis, parehong namatay

2015-04-14 3 Dailymotion

Shootout sa Phoenix, Arizona: suspect at pulis, parehong namatay

Isang police officer ang namatay, at isa pa ang seryosong nasaktan, sa isang shootout, sa siudad ng Phoenix, Arizona.

Nakakuha ng warrant para sa pag-aresto sa 28-year-old na si William R. Thornton, na wanted para sa pagbaril sa isang lalaki noong February 25.

Nang nakita ni Thornton ang mga pulis, tumakas siya at nauwi sila sa isang high-speed chase sa Phoenix.

Nagtapos ang habulan sa intersection ng Bethany Home at North 43rd Avenue.

Nabangga ni Thornton ang isang truck.
Sinubukan niyang tumakas, pero naabutan siya ng mga pulis.
Doon pinagbabaril ni Thornton ang mga pulis.
Tinamaan si Officer John Hobbs at ang kanyang partner.

Si Officer Hobbs, na dalawampu't isang taon nang nagbigay serbisyo bilang pulis, at ama sa tatlong anak, ay namatay sa ospital, samantalang nasa ICU ang kanyang partner.

Tumakbo si Thornton sa Bethany Home Road,
Kung saan siya ay nabaril at napatay ng isa pang police officer.

Si Thornton ay nakalaya mula sa bilangguan noong Enero, matapos ang 18-month-sentence para sa dangerous-drug violation at resisting arrest.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon