Surprise Me!

Magnanakaw, binaril at pinatay ng isang homeowner sa Detroit!

2015-04-14 3 Dailymotion

Magnanakaw, binaril at pinatay ng isang homeowner sa Detroit!

Mag-ingat, mga magnanakaw, at napuno na sa inyo ang mga residente ng Detroit!

Ito ang Grove Street sa Detroit -- eksena ng isang pagbaril at pagpatay sa isang magnanakaw, kamakailan lang.

Ayon sa mga report, isang lalaking nasa kanyang 20s ang pumasok sa isang bahay, mula sa bintana, isang gabi...

Nang nagising niya ang 54-year-old na babaeng homeowner. Dahil pitong beses nang napasok ang kanyang bahay, naubusan na ng pasensiya ang babae sa ika-walong magnanakaw.

Kumuha ito ng baril at kinumpronta ang magnanakaw. Binalaan niya ito na huwag lumapit kung ayaw niyang mabaril.

Hindi nagpaawat ang magnanakaw, kaya binaril siya ng babae.

Ang magnanakaw, na nabaril sa dibdib, ay nahulog at tumakbo paalis, pero nawalan ng malay sa nalalapit na kalsada. Namatay siya sa ospital.

Nakausap ng pulis ang babae, at hindi siya naaresto. Hindi malinaw kung siya ba ay makakasuhan.

Para sa amin dito sa Tomo News, wala siyang kasalanan sa mga pangyayari.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon