Isang ama, binaril ang lalaking teenager na nagtago sa kuwarto ng kanyang anak na babae!

Isang ama, binaril ang teenager sa kuwarto ng kanyang anak na babae!

Young love. Puppy love Mga kuwento ng ninakaw na sandal...ng first kiss...at lahat ng bagay na mapapanood sa romantic comedy.

Pero ang pelikula ay hindi palaging bumabagay sa tutoong buhay.

Ito ay napatunayan ng isang ama sa Texas, na binaril at pinatay ang isang lalaking teenager, na nagtago sa kuwarto ng kanyang anak na babae noong March 13.

Ayon sa KHOU 11 News, nagpunta ang isang kapatid sa kuwarto ng kanyang 16-year-old na ate para mag-good night, at napansin niya ang paang nakasilip mula sa ilalim ng kama.

Ginising ng bata ang kanilang ama, na agad na nag-imbestiga.
Pero sinabi ng babae na hindi niya alam kung sino yung lalaking teenager.

Dito nag-away ang lalaki at ama ng babae. Ayon sa report, kumilos ang lalaki na parang may kukunin, at doon binaril ng ama ang lalaki -- na namatay.

Pagdating ng pulis sa eksena, 2:30 ng madaling araw, ininterview nila ang anak na babae, na inamin din sa wakas na kilala niya ang biktima, at siya pa ang nagpapasok sa kanya sa bahay.

Ito na yata ang pinakamasamang paraan para matutunan niya ang kasamaan ng pagsisinungaling.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH