Surprise Me!

Shamera Harris, 12, namatay matapos ang first date - dahil sa kanyang lasing na ama!

2015-04-14 19 Dailymotion

Shamera Harris, 12, namatay matapos ang first date - dahil sa kanyang lasing na ama!

Ang 12-year-old na si Shamera Harris ay nagpunta sa isang first date, sa Waterworks Mall sa Pittsburgh. Pagkatapos, ay sinundo sila ng kanyang mga magulang.

Hinatid nila ang ka-date ni Shamera sa kanyang bahay sa Stanton Heights, at hiniling ng nanay ni Shamera na kunan sila ng litrato.

Ang ama ni Shamera, na si Richard Benton, ay lasing nang itigil niya ang kotse at bumaba siya mula sa sasakyan.

Ang brake ay hindi nahila nang maayos, at ang Ford Explorer ay nag-roll pababa sa kalsada, at nakaladkad ng kotse si Shamera.

Nakaladkad nang limampung talampakan ang katawan ni Shamera, bago nag-crash sa puno ang kotse.

Sinubukang magbigay ng CPR ang ina ni Shamera, pero namatay na ang kanyang anak.

Ang ama ni Shamera ay nakasuhan ng DUI, at iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dahilan kung bakit nag-roll ang Ford Explorer pababa ng kalsada.

Depende sa resulta ng imbestigasyon, ay maaring makasuhan pa ng ibang krimen ang 53-year-old na ama ni Shamera.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon