Surprise Me!

Taiwanese na ina, nag-ipon ng ebidensiya laban sa nanlalalaking daughter-in-law!

2015-04-14 47 Dailymotion

Taiwanese na ina, nag-ipon ng ebidensiya laban sa nanlalalaking daughter-in-law!

Pagod ka na ba ng kakasuspetsya kung ang iyong partner ay nanlalalake o nambababae? Isang matalinong ina lang ang iyong kailangan -- basta't kasing-talino niya ang child detective na si Conan, na bida ng popular na comics mula sa Japan.

Isnag babaeng nagngangalang Song, mula sa Hsinchu, Taiwan, ang tatlong taong nag-ipon ng ebidensiya, para mapatunayan na nanlalalake ang kanyang daughter-in-law.

Ang anak ni Song ay pinakasalan ang isang masahista sa China, pitong taon nang nakalipas. Ang kanyang daughter-in-law ay pinupuntahan ang kanyang lover, tuwing nasa business trip ang anak ni Song.

Isang beses, ay hindi sinasadyang nadulas ang daughter-in-law ni Song, na naka-date niya ang isang lalaki; at isang beses ay pinaalis niya si Song habang wala ang anak ni Song, dahil daw bibisitahin niya ang kanyang pamilya.

Nagtago si Song at nakita niyang nakipag-date sa ibang lalaki ang kanyang daughter-in-law, na kinunan niya ng litrato.

Nakakuha pa ng impormasyon mula sa kanyang apo si Song, tungkol sa mga dates ng kanyang daughter-in-law, dahil minsan din ay sinama ng babae ang kanyang anak sa kanyang mga date.

Pagtagal, ay nag-file na rin ng divorce ang anak ni Song mula sa nanlalalakeng babae, na naibigay ng korte, salamat sa kayang detective na ina!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon