Surprise Me!

Killer ticks (pulgas) sa Japan, nagkakalat ng virus; 53 infected, 21 dead

2015-04-14 13 Dailymotion

Killer ticks (pulgas) sa Japan, nagkakalat ng virus; 53 infected, 21 dead

Isang virus na kumalat mula sa mga pulgas ang nakapatay sa maraming tao sa Western Japan.

Ayon sa Infectious Disease Surveillance Center sa Japan, ang mga "killer ticks," o pulgas, na nagdadala ng virus na nauuwi sa severe fever and thrombocytopenia syndrome, o SFTS, ay matatagpuan sa tatlumpung lugar sa Japan, mula sa Hokkaido hanggang sa Kyushu.

Ang SFTS virus ay nata-transfer sa pamamagitan ng kagat ng mga pulgas, na mahilig sa mga lugar na maraming halaman at gulay.

Bukod sa lagnat, kabilang sa mga sintoma ng virus ang diarrhea, at sa iilang mga kaso -- ang pagbaba ng bilang ng white blood cell at platelet, organ failure, at kamatayan.

Limampu't tatlong tao ang na-infect sa pinaka-latest na outbreak ng virus, at may dalawampu't isang tao na ang namatay.

Walang epektibong vaccine ang pwedeng gamitin na panlaban sa virus, kaya binabalaan ng Japan Ministry of Health ang mga mamamayan na iwasan ang mga lugar na maaring may mga pulgas.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon