Professor, gumamit ng camera pen para silipin ang bra at panty ng mga estudyante!

Isang college professor sa Florida ang nawalan ng trabaho, at nailagya sa probation, matapos niyang kunan ng video ang mga babaeng naka-palda, at walang kamalay-malay, para makita kung sila ay may suot na panty.

Ang 65-year-old na si Don Samuelson ng College of Veterinary Medicine ay gumamit ng camera pen para mai-film ang pagitan ng dibdib ng isang babaeng estudyante, pati na rin ang nasa ibaba ng kanyang cleavage.

Tinutok din niya ang camera sa ilalim ng palda ng isa pang estudyante.

Napansin ito ng estudyante, at ni-report ang prof sa pulis.

Hinalukay ng pulis ang opisina ni Samuelson, at doon nila nakumpiska ang camera pen.

Ayon kay Samuelson, gusto lang niyang makaipon ng pruweba na ang mga babaeng estudyante ay hindi nagsusuot ng panty pagpasok sa klase -- at para sa kanya ito ay hindi tama.

Pero ano ang mas hindi tama: ang walang suot na panty, o ang sikretong pagfi-film nito?

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH