Off-duty police officer, binaril sa ulo ang isang magnanakaw! Self-defense ba ito?

Isang off-duty sergeant ng Cook County ang bumaril at pumatay sa isa sa tatlogn suspect na nagtangkang nakawan siya noong Lunes ng gabi.

Ang off-duty na pulis ay nasa isang Citgo gas station sa 700 block ng East 103rd Street...nang nilapitan siya ng 16-year-old na si Deonta Dewight Mackey, na may hawak na baril.

Dalawa pang suspect ang lumapit, at isa sa kanila ang nagsimulang halungkatin ang kotse ng sergeant.

Nang inabot ni Sarge ang kanyang wallet sa suspect, hinugot din niya ang kanyang baril at binaril niya si Dewight sa ulo.

Namatay si Dewight, at nagsitakbuhan ang dalawa pang suspect.

Kinuha ng sergeant ang kanyang cellphone at nagtawag ng tulong.

Ayon sa sheriff's office, ang pagkilos ng sergeant ay nasa self-defense; kasalukuyang iniimbestigahan ng Chicago police ang insidente.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH