Surprise Me!

VIDEO: New Mexico "Cop Killer," namatay sa isang high-speed police chase!

2015-04-14 28 Dailymotion

VIDEO: New Mexico "Cop Killer," namatay sa isang high-speed police chase!

October 26, 2013.

Hawak ang isang assault rifle, isang gunman ang nagpahabol sa isang katutak na law enforcement officers sa Albuquerque, New Mexico...

Sa isang police chase na nauwi rin sa isang deadly shootout.

Ini-release ng New Mexico police ang nakaka-shock na lapel-cam footage ng habulan na ito, ilang araw pa lang ang nakalipas.

Ang suspect ay may suot na body armor, camouflage at itim na maskara. Hawak ang AK-47, sinabihan niya ang mga saksi na tawagin ang pulis at sabihin sa kanila na siya ay naghihintay.

Pinili ng suspect -- ang 35-year-old na si Christopher Chase -- ang intersection ng Broadway Avenue at Iron Avenue, sa southeastern Albuquerque, para ipakita ang kanyang galit sa mga pulis.

Binaril agad ni Chase ang unang rumisponding policeman na si Officer Eric Martinez -- na umiwas, pero natamaan ng bala sa paa.

Pumasok si Chase sa police cruiser ni Martinez, ay sinimulan ang 16-mile high-speed chase.

Dalawa pag pulis na dumating sa eksena, sina Matthew Hannum at Daniel Morales, ang nabaril ni Chase, pero hindi namatay.

Sa isang clip mula sa police footage, makikita ang mga police officers na tinulungan si Hannum matapos siyang mabaril...

Habang patuloy ang habulan at barilan.

Ang Sheriff Deputy na si Robin Hopkins at nabaril sa kanyang police cruiser nang dinaanan niya si Chase.

Siya ay dumaan na sa maraming operasyon, at ilang buwan nang nakalipas mula nang mangyari ang lahat, ay hindi pa rin gumagaling ang kanyang nawasak na femur.

Ang habulan ay napatigil lamang matapos mag-crash si Chase sa isang gas station, kung saan nag-open fire ang pulis, at pinatay si Chase.

Ayon sa isang autopsy, walong beses nabaril si Chase -- labilang na rito ang apat na beses sa leeg, at isang beses sa ulo.

Wala pang nalalaman na motibo ang mga imbestigador, pero ayon sa mga kaibigan ni Chase, matagal na siyang galit sa mga law enforcers.

Naka-tattoo pa nga sa kanyang kamay ang mga salitang, 'cop killer.'

Buti na lang at hindi ito nagka-tutoo.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon