Magnanakaw ng motor, nag-post ng "catch me if you can" video - nahuli ng pulis!

Ang lalaking galing sa Texas, na nag-record ng helmet cam footage kung saan siya ay makikitang mabilis na nagmamaneho sa traffic -- at pinost pa ito sa internet -- ay naaresto ng pulis noong Lunes.

Ang motorsiklo na nasa video ay matagal-tagal nang nai-report na nanakaw sa San Antonio.

Sakay ang ninakaw na motorsiklo, ni-record ni Albertp Rodriquez, Jr, ang kanyang sarili na nagsi-speeding sa rush hour traffic.

Pinost pa ng 27-year-old ang video sa Facebook noong isang linggo, at tinawag pa itong, "Catch me if you can."

Sa video, mapapanood ang delikado at kaskaserong pagmamaneho ni Rodriguez.

Matapos mapanood ng mga imbestigador ang video, mabilis nilang nahulaan na ang taong naksakay sa motor ay maaring ang magnanakaw ng motor na kanila ring hinahanap.

Noong Lunes, natagpuan ng Texas police si Rodriguez sa bahay ng isa niyang kaibigan, malapit sa Salado Creek Greenway, sa San Antonio.

Si Rodriguez ay nakita nilang nagtatago sa likod ng isang AC unit sa labas ng bahay.

Iyan kasi, "Catch me if you can daw." Ayun, na-catch na nga siya.

Kabilang sa mga kasong haharapin ni Rodriguez, ay ang traffic violation, misdemeanor assault, at pati na rin ang pagnanakaw ng motorsiklo.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH