Indonesian na babae, tinakwil ng pamilya dahil sa kanyang kakaibang skin disease!

Warning: Ang video na ito ay may mga nakakagambalang imahe.

Isang Indonesian na babae, na may bihira at kakaibang sakit sa kanyang kutis, ay napilitang umalis mula sa kanyang tinitirhan, dahil itinakwil na siya ng kanyang pamilya.

Tatlong taon nang may sakit ang 46-year-old na si Sarotin; ang kanyang kondisyon ay itinatawag dawn a neurofibromatosis.

Dahil sa kondisyon na ito, ang buong katawan ni Sarotin ay napaligiran ng mga mala-bulang tumor.

Kalahati ng kanyang mukha ay natakpan ng isang malaking tumor, samantalang hindi na maibilang ang maliliit na tumor na nagkalat sa kanayng katawan.

Si Sarotin, na isang biyuda, at ina ng apat na anak, ay napilitang iwanan ang kanyang mga anak, matapos siyang itakwil ng kanyang pamilya, dahil sa kanyang nakakatakot na pagbago ng kanyang itsura.

Naglakbay siya mula sa nayon na kanyang pinaglakihan,na malapit sa siudad ng Bandung, hanggang sa Jakarta.

Ayon sa kanya, hindi niya kayang bayaran ang medical treatment sa kanyang nayon. Sana'y may makatulong sa kanya sa Jakarta.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH