Mark Betterson, nasuspinde dahil pinagtanggol ang gay student laban sa isang bully!

Isang high school student sa Florida ang nasuspinde nang sampung araw, dahil pinagtanggol niya ang isang gay na estudyante.

Si Jonathan Colon ay nasa lunch room sa school, nang tinapunan siya ng gatas ng bully na si James Griffin.

Matapos magbitaw ng homophobic slurs, sinuntok pa ni Griffin si Colon sa mukha at ulo.

Pinagtanggol ng estudyanteng si Mark Betterson si Colon.

Naunang sumuntok si Griffin, at nauwi ang dalawa sa isang seryosong away.

Nagkaroon ng bukol sa gilid at likod ng kanyang ulo si Colon.

Si Griffin ay nakasuhan ng battery, samantalang si Betterson ay nasuspinde dahil ang school ay may zero-tolerance policy pagdating sa away.

Bumalik sa school noong Biyernes si Colon, at kasama ang kanyang mga kaklase, prinotesta nila ang suspension ni Betterson.

Balak din ni Betterson na i-appeal ang suspension sa isang hearing kasama ang administrasyon ng eskuwelahan.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH