Justin Bieber, maaring makulong dahil sa pagtapon ng itlog sa tirahan ng kapitbahay!

Ang 19-year-old Canadian pop star na si Justin Beiber ay hinagisan umano ng itlog ang bahay ng kanyang kapitbahay, noong isang buwan -- at siya ngayon ay maaring makulong dahil dito.

Mahigit 20,000 dollars in damages ang nagawa ni Bieber at ng kanyang kaibigan sa tirahan ng kanyang kapitbahay.

Kung si Bieber ay na-convict sa kasong vandalism, maari siyang makulong...

Pero mukhang wala siyang dapat na alalahanin.

Nang siya ay maaresto para sa DUI noong isang buwan, mabait naman sa kanya ang Miami police, at may isa pang officer ang sinubukang makipag-picture sa kanya.

Ayon sa TMZ, si Bieber ay nasa Vegas kasama ang kanyang kaibigan, at gumastos ng libo-libo para sa mga strippers sa loob ng kanilang hotel -- bago pa siya maaresto para sa DUI.

Pumayag na mag-pose para sa TMZ ang isa sa mga strippers, pero hindi siya nagbigay ng detalye tungkol sa Vegas, dahil pinilit siya ni Beiber na pumirma ng isang confidentiality agreement.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH