Surprise Me!

Trace Adkins, nalasing at nakaaway ang kanyang impersonator; nauwi sa rehab

2015-04-14 2 Dailymotion

Trace Adkins, nalasing at nakaaway ang kanyang impersonator; nauwi sa rehab

Ang country music star na si Trace Adkins ay dating nagkaroon ng problema sa pag-inom, pero matagal-tagal na rin siyang sober.

Pero noong Linggo, ay sumakay siya sa isang country music cruise papunta sa Caribbean, at doon siya muling napainom.

Marami kasing ibang country stars sa cruise na iyon, gaya nila Trace at Wynonna Judd.

Andoon din ang isang lalaking nagkukunwaring siya si Trace, pero alam naman ng tunay na Trace na ginagaya siya ng lalaki, dahil ilang taon na rin silang nagkakilala.

Hindi naming sigurado kung ano eksakto ang nangyari, pero si Trace ay nakipag-away sa kanyang impersonatormatapos siyang makainom ng marami. Medyo nakakatawang i-imagine ang mga pangyayari, dahil nag-aaway ang dalawang magkamukha.

Ang sinasakyan nilang cruise ship ay nakarating sa Jamaica, at doon kumalas sa grupo si Trace, na dumiresto sa rehab.

May mga taong nakasakay sa cruise na nalungkot na hindi nakapag-perform si Trace, lalo na dahil libo-libo ang kanilang binayad para lang mapanood ang kanilang idolo.

Hindi namin alam kung ano ang nangyari sa impersonator ni Trace. Baka pwedeng siya nalang ang mag-perform para sa mga nakasakay sa cruise ship, habang nagpapagaling ang tutoong Trace Adkins?

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon