Surprise Me!

Endangered black rhino, maaring barilin kapalit ng halagang 350,000USD!

2015-04-27 26 Dailymotion

Endangered black rhino, maaring barilin kapalit ng halagang 350,000USD!

Ang matagal nang debate tungkol sa gun control sa Estados Unidos ay malinaw na ipinapahiwatig na walang maaring gumitna sa isang Amerikano, at ang kanyang karapatang gumamit ng armas...

At bumaril ng kung anu-ano, kahit na ang mga ito...

Ay may walong libong kilometro ang layo, sa Namibia.

Nai-auction ng Dallas Safari Club itong linggo ang karapatang barilin ang endangered black rhino, para sa halagang 350,000USD.

Yup, endangered. Noong 1960s ay may pitumpung libong black rhino sa Africa. Ngayon ay apat na libo na lang ang natitira. Salamat sa auction, mas lalo pang bababa ang numerong ito.

Natural, ay hindi natuwa ang mga aktibista para sa animal welfare. At ang Safari club at auction organizers ay nakatanggap ng mga death threats.

Pero pinanindigan nila ang kanilang ginawa, dahil ang pera mula sa auction ay makakatulong sa pag-preserba ng species; at ang pera na ito ay tutoo ngang kailangan sa pagpigil ng pagkain ng rhino horn, na gawain ng mga Chinese at Vietnamese.

Ang rhino na matatarget daw ay matanda na at hindi na makakapag-breeding, kaya okay lang na mawala.

Pero imagine na lang kung ang ganitong pag-iisip ay ginamit sa mga tao, at hindi sa mga hayop. Papayag ka bang ibenta ang karapatang patayin ang iyong pamilya para sa kabutihan ng marami?

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon