510,000 na tao, nagsagawa ng Democracy March sa Hong Kong!

Kalahating milyong residente sa Hong Kong, nag-martsa sa kalsada, para sa demokratikong eleksiyon!

Hindi nagpaawat sa mainit na panahon ang mga residente ng Hong Kong, na nag-martsa para sa demokrasya, noong July 1st. Ano ang kanilag mga demands? Free at fair democratic elections sa 2017, para sila mismo ang pipili sa kanilang susunod na chief executive.

Simula noong tanghali, ay nagdagsaan ang mga protesters sa central Victoria Park, at sa mga subway stations na nakapaligid sa lugar.

Nag-march sila, bandang 3:30 ng hapon, at nagpatuloy sila, kahit na nagsimulang umulan. Patuloy rin sa pagdating ang ibang mga tao.

Ilang mga local musicians din ang nagpakita ng kanilang suporta sa rally.

Ayon sa local police, may 90,000 na tao ang sumali sa protest, pero ayon sa organizers, may 510,000 na tao ang nag-march sa kalsada.

Kung tutoong may mahigit kalahating milyong tao ang nag-protesta, nalampasan na nila ang 2003 record ng 500,000 na taong nag-protesta laban sa isang anti-subversion bill na suportado ng Beijing.

Sa protesta noong July 1st, nagsunog ng mga white paper books, bilang pagtanggi sa Beijing; nagsagawa sila ng mga hand puppet shows, kung saan pinagtawanan nila ang kanilang chief executive na si Leung Chun-ying, na tinawag nilang 'pawn' ng Communist Party.

May isang grupo pa ng mga demonstrators ang nagdala ng isang kabaong, na katumbas ng kamatayan ng demokrasya sa Hong Kong.

Napuno ng mga tao ang makitid na kalsada sa Hong Kong, dahil hindi sila pinayagang mag-march sa motorway ng mga awtoridad.

Ang mga nagtangkang tawirin ang mga roadblocks ay naaresto ng mga pulis; nagkaroon din ng mga minor clashes sa pagitan ng mga demonstrators at pulis sa araw na iyon.

Samantala, ang top leader ng Hong Kong ay napaluha sa emosyonal na 17th annual celebration ng handover ng Hong Kong sa China. Sabi niya, kailangan raw nilang iwasan ang kahit na anong bagay na makaksira sa stability at prosperity ng