Racist na lalake, hinampas ng skateboard ang isang taxi driver sa New York!

Ang kawawang New York City taxi driver na ito ang biktima ng isang hate crime.

Ang attacker, na isang African-American na lalaking nakasuot ng puting sweatshirt, ay pinahinto ang taxi ni Mohammed Ali Fahd noong Lunes ng gabi.

Pagsakay sa taxi, ay tinanong ng pasahero kung saang bansa nanggaling si Fahd, at sinabi ni Fahd na siya ay galing sa Pakistan.

Hindi ito matanggap ng pasahero, na nagsimulang magmura at pinaghahampas ang partition sa loob ng taxi.

Na-distract si Fahd sa pinaggagawa ng pasahero, at tumama siya sa isang pothole.

Huminto siya sa isang gas station para i-check ang kotse, at dito siya nilapitan ng pasahero, na hinampas siya sa mukha, gamit ang isang skateboard.

Ang driver ng ambulansiya na nalalapit sa eksena ang tinangkang habulin ang attacker, pero nakatakas ito sakay ang kanyang skateboard.

Nabali ang ilong ni Fah, nasugat ang kanyang mukha, na sa sobrang pamamaga ay hindi pa niya mabukas ang kanyang kaliwang mata.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH