HSBC, pinipigilan ang customers sa pag-withdraw ng malaking halagang pera!

Ang HSBC, na pinakamalaking bangko sa Europe, ay nasangkot na naman sa isang issue.

Alam nating lahat na ang mga bangko ay atat na makuha an gating pera, pero mukhang pinaka-atat sa lahat ang HSBC.

Pinagbabawal nila ang pag-withdraw ng malalaking halaga, at tinatanong nila sa mga customer kung bakit nila kailangan ang sarili nilang pera -- at humihingi din sila ng written evidence.

Ayon sa mga customers, hindi sila binigyan ng dahilan ng bangko kung bakit nila ito ginagawa, at hindi nila gusto na itinuturing silang bata, samantalang pera naman nila iyon.

May mga nagsabi na ayaw sabihin sa kanila ng staff kung magkano ang pwede nilang i-withdraw nang walang kailangang sagutin na tanong mula sa bangko, at hindi din sila sinabihan tungkol sa bagong policy na ito.

Noong 2012, lumabas na maraming taon na nag-launder ang HSBC nang halos isang bilyong dolyares para sa mga Latin American drug cartels.

Ayon sa BBC, habang ang ibang malalaking bangko ay may policy rin na magtanong tungkol sa malalaking withdrawals, walang humihingi ng ebidensiya bago nila i-approve ang mga ito.

Para sa ilegal na pag-launder ng pera ng HSBC, kung saan kumit ng pera ang bangko, sila ay namultahan ng 1.9 billion -- pero wala ni isang tao ang nademanda o na-ban mula sa industriya.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH