VIDEO: Police brutality sa New Hampshire

Ito ay isa na namang kuwento ng police brutality, salamat sa pulis sa Amerika. Ito ay nangyari sa Seabrook, New Hampshire.

Ayon sa pulis, si Michael Bergeron Jr. ay nahuli nilang nagmamanehong lasing at may kargang droga. Bigla raw itong nagsisigaw, nagmumura, at pinagsisipa ang cruiser.

Sabi ng mga officers, si Bergeron ay sinusuway ang kanilang mga utos at siniksik sa inodoro ang kanyang damit.

Gayunman, ay hindi naman tama na gawin ito...

O ito.

Ang lahat ng ito ay nangyari noong 2009, pero itong linggo lang nai-report dahil pinost ni Bergeron ang video sa YouTube, matapos itong maglaho kasabay ng kanyang abogado, dalawang taon nang nakalipas.

Tatlong police officers na nasangkot sa insidente ang nailagay na sa paid administrative leave.

Ano kaya ang gagawin nila ngayong libre na ang kanilang oras?

Wala pa kaming nababalitaang lawsuit, pero sa palagay namin ay darating din iyan, dahil ayon kay Bergeron, nagkaroon siya ng brain injuries mula sa insidente.

Panoorin ang video, at mahihirapan kayong pagdudahan ang kanyang kuwento.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH