Surprise Me!

Mga unemployed "losers" sa Japan, bumuo ng bagong kompanya: NEET!

2015-05-12 14 Dailymotion

Mga unemployed "losers" sa Japan, bumuo ng bagong kompanya: NEET!

Isang grupo ng Japanese NEETS, o mga taong "Not in Education, Employment or Training," ang nagpa-press conference noong Martes para i-announce ang kanilang bagong NEET Corporation.

Ayon sa Ministry of Internal Affairs and Communications sa Japan, ang bilang ng mga NEETS na mula 15 hanggang 34 years old ay lampas sa 630,000.

Bagamat ang mga NEETS ay madalas na ituring na losers sa Japan, marami sa kanila ang maganda naman ang edukasyon at abilidad -- minalas lang at wala silang mahanap na trabaho.

Isang daan, animnapu't anim sa kanila ang tumulong sa pagbuo ng NEET Corporation itong nakaraang buwan.

Ang employado ng kompanya at itinutukoy na may iba't ibang spesyalidad, gaya ng law, design, at pati na ang panghuhula.

Ayon kay Wakashin Yujun, ang kaisa-isang employado na hindi NEET, karamihan sa kanilang mga employado ay nasa dalawampu't walong taong gulang, at bawat isa sa kanila ay binibigyan pagkakataong maging president ng kompanya.

Balak ng kompanyang maglabas ng mga product proposals para sa mga posibleng kliyente, at kabilang na rito ang isang energy drink na nakakapagod -- at isang lata na kapag nabuksan ay maglalabas ng amoy ng isang kuwarto ng cute na babae.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon