Jade Rabbit moon rover ng China, nagpadala ng mga litrato mula sa buwan!

Masaya ang China ngayon, dahil ito na ang pangatlong bansa na nakapa-soft landing sa buwan. Sinundan nila ang mga taga-Russia --tatlumpung pitong taon matapos magpunta sa buwan ang mga Ruso.

Noong Sabado ng hapon, ang landing module ng China ay umapak sa ibabaw ng buwan.

Ang moon lander ay inilabas ang robot na "Jade Rabbit" rover -- parang mga Chinese na turista na mahilig maglabas ng "sama ng loob" sa mga bangketa.

Ang rover, na may anim na gulong , ay nagpunta sa isang lugar na may siyam na metro ang layo mula sa pinag-landingan nito, noong Linggo, at kumuha ng mga litrato.

Ang Jade Rabbit ay nandoon para i-survey ang geological structure ng buwan, at maghahanap ng mga natural na kayamanan itong darating na tatlong buwan.

Malamang ay ipagyayabang ito ng China nang matagal-tagal na panahon.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH