Surprise Me!

VIDEO: Himala! Nigerian na lalaki, naligtas mula sa isang nataob at nalubog na barko!

2015-05-12 20 Dailymotion

VIDEO: Himala! Nigerian na lalaki, naligtas mula sa isang nataob at nalubog na barko!

Isang hindi kapani-paniwalang undersea rescue ang nangyari itong nakaraang Mayo sa may baybayin ng Nigeria. At ngayon ay mapapanood na natin ang video!

Si Harrison Okene, isang cook, ay ang kaisa-isang survivor, matapos tumaob ang kanyang sinasakyang barko na JASCON-4, may tatlumpung kilometro mula sa baybayin ng Nigeria noong May 26.

Noong araw na iyon, ang crew ng barko ay nagtangkang i-stabilize ang isang oil tanker, sa gitna ng masamang panahon.

Si Okene ay nagpunta sa banyo, nang biglang tamaan ng malaking alon ang barko, at napataob ito.

Lumabas si Okene mula sa banyo, at nagtangkang tumakas, pero hindi na siya umabot dahil nakataob na ang barko.

Sa isang mala-himalang pangyayari ay nakatagpo si Okene ng isang lugar sa ilalim na parte ng barko, na hindi napuno ng tubig.

Matapos ang lampas animnapung oras sa ilalim ng dagat, ay naligtas si Okene ng mga rescue divers.

Ang salvage mission ng mga rescue divers ay mabilis na naging rescue mission, nang narinig nilang kinakatok ni Okene ang pader ng barko.

Ayon kay Okene, ang kanyang paniniwala sa Diyos at ang kanyang mabilis na pag-iisip ang nakapagligtas sa kanya. Nang narinig niya ang pagkatok ng mga divers mula sa labas ng barko, ay mabilis siyang kumatok mula sa loob, at doon nila nalaman na may nabubuhay pa sa crew. Bukod kay Okene, ang natitirang labing-isang miyembro ng crew ay namatay.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon