Japanese high school coach, sinunog ang tenga ng kanyang mga players!

Nawalan ng trabaho ang coach ng isang Japanese high school female softball team, matapos malaman ng mga magulang na ang coach ay nananakit bilang pagpaparusa sa mga babaeng players.

Ang 44-year-old na coach ay may hinahawakan ring ibang posisyon at responsibilidad sa Kashima Gakuen High School, sa Ibaraki, Japan.

Kabilang sa kanyang pagpaparusa sa mga babaeng players ay ang paghampas sa kanila ng whiteboard, at ng dulo ng kanyang baseball bat.

Sa isang insidente, nilapitan diumano ng coach ang tatlong natutulog na player sa isang bus, at sinindihan ng lighter ang kanilang mga tenga!

Kumalat ang balita tungkol dito nang magreklamo ang magulang ng biktima sa eskuwelahan.

Ang coach ay pinatalsik mula sa eskuwelahan noong Setyembre, at ang mga estudyante ay binigyan din ng mental care treatment.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH