Surprise Me!

PHOTO: Mayra Rosales, "Half-Ton Killer," nagbawas ng 600 pounds!

2015-05-12 4 Dailymotion

PHOTO: Mayra Rosales, "Half-Ton Killer," nagbawas ng 600 pounds!

Ang itinawag na 'half-ton killer' na si Mayra Rosales, ay nakapagbawas ng halos tatlong daang kilo sa loob ng limang taon -- mula nang siya ay makasuhan ng pagpatay ng kanyang dalawang taong gulang na pamangkin.

Sa kanyang pinakamabigat, si Rosales ay lumampas sa limang daang kilo. Umamin ito na ang kanyang pamangkin ay naipit at namatay sa gitna ng kanyang bilbil.

Pero matapos ang imbestigasyon, napatunayan na ang bata ay namatay dahil sa pinsala sa kanyang bungo, na imposibleng nagawa ni Rosales. Noong 2011, si Rosales ay na-acquit, at ang ina ng bata, na kapatid ni Rosales, ang lumabas na suspek -- na ipinagtatakpan ni Rosales.

Simula noon, si Rosales ay nagbagong buhay, at sa pamamagitan ng surgery, ng pag-diet, at physical therapy, naging mabuti ang kanyang kalusugan.

Makikita sa kanyang Facebook ang malaking pagbabago ng kanyang katawan, at ang lahat ng ito ay nakunan para sa isang bagong TV show.

Si Rosales ay kasalukuyang naghihintay ng pagkakataong magka-gastric bypass surgery, at dahan-dahang sinusubukan ang normal na pang-araw-araw na gawain -- gaya ng pamimili at paghanaa ng trabaho.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon