Korean girl group Crayon Pop, na-harass ng crazy fan sa stage!

Ang Korean girl group na Crayon Pop ay nag-perform sa isang event sa Korea, kamakailan...

At doon sa event, may isang crazy fan na nakasuot ng hoodie, ang sumugod sa stage para yakapin si Choa, na isang miyembro ng Crayon Pop.

Ang pinakanakakakilabot sa lahat, ay nakangiti lang ang fan na ito habang siya ay nangha-harass ng babae.

Mabilis siyang hinatak pababa ng stage ng security.

Bihira ang ganitong pangyayari sa mga artista sa Korea.

Matatandaan natin, na dalawang taon nang nakalipas, nang may sumugod din sa stage habang nagpe-perform ang pop group na Girls Generation.

Hinatak ng fan ang isa sa miyembro ng grupo -- buti nalang at napigilan ito ng isa pang miyembro ng Girls Generation, at ng host ng event.

May isa pang ehemplo ng ganitng pangyayari, na nakakatakot para sa mga performer at artista.

Noong Pebrero, ang modelong ito ay nagte-taping para sa isang show, nang may tumakbo papasok sa loob ng studio, at nagtangkang lapitan ito. Buti na lang, at naligtas ng host ang modelo.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH