Bagong uso sa smartphones: pink, Hello Kitty, at 3,000USD na price tag!

Bagong uso sa smartphones -- ang kulay PINK!

Ang 24-carat rose gold na iPhone 5S ay isang hot item para sa mga mahilig sa makislap na cellphones!

Ang produktong ito ay gawa ng Hong Kong design company, ZG, na isang Apple partner, at dalawang daang unit lamang ang mabibili sa buong mundo.

Ang makulay na case na ito ay para sa mga babaeng customer, at maraming ibang phone manufacturers ang nakapansin ng bagong uso na ito.

Nariyan na ang kulay cotton candy na Samsung Galaxy S4, at ang hot pink na Sony Xperia ZR -- isang waterproof, dust-resistant na cellphone, na may 4.6-inch screen at magandang camera function.

Ang HTC naman ay nakipag-partner sa EVA Air para mag-launch ng isag eksklusibong pink na Hello Kitty Butterfly S, na maari lamang mabili sa EVA Air flights.

Mahilig ka rin bas a PINK? Kung ang sagot ay YES, magsimula ka nang mag-ipon, dahil ang rose gold iPhone ay nasa halagang 3,000 US Dollars!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH