Surprise Me!

North Korea, nagsagawa ng 80 public execution sa 7 siudad

2015-05-12 37 Dailymotion

North Korea, nagsagawa ng 80 public execution sa 7 siudad

Mahigit walumpung tao sa loob ng pitong magkakaibang siudad ang nabalitaang na-execute sa harap ng maraming tao sa North Korea, noong November 3, ayon sa South Korean newspaper, Joong Ang Daily.

Ayon sa report, minachine gun ng mga awtoridad ang walong naka-hood na tao, sa harap ng sampung libong tao, sa loob ng isang sports stadium sa siudad ng Wonsan. Hindi na makilala ang mga bangkay matapos ang execution.

Ang kanilang krimen? And panonood ng South Korean videos... pagmamay-ari ng biblia...at pagkalat ng pronograpiya.

Noong Setyembre, ni-report ng Asahi news sa Japan na siyam na miyembro ng Unhasu Orchestra ang na-execute nang sila'y gumawa at nagbenta ng sex tapes.

Ayon sa isang miyembro ng North Korea defector group, ang kasalukuyang gobyerno ay takot na magbago ang pag-iisip ng mga mamamayan ng North Korea, kaya tinatakot nila ang mga ito habang maaga pa.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon