Nicole Kidman vs. Paparazzo Carl Wu: sino'ng panalo?

Ang artistang si Nicole Kidman ay pabalik sa Carlyle Hotel matapos niyang manood ng Calvin Klein show, kasama si Anna Wintour, sa New York Fashion Week.

Si Carl Wu ay isang kilalang paparazzo na nakasakay sa kanyang bisikleta sa bangketa na kung saan naglalakad si Nicole. Hindi ito nakapag-brake, at dumiretso siya sa aktres, na natumba matapos siyang tamaan. Si Nicole ay hindi natuwa sa nangyari, at nagtawag ng pulis. Ngunit minultahan lamang nila si Carl sa pagbibisikleta sa bangketa.

Balak ni Nicole na kasuhan ang paparazzo, na matagal nang naghahabol sa mga artista, at nakaaway na rin ang mga bodyguard ng mga singer na si Rihanna at Lady Gaga.

Teenager pa lang ay paparazzo na si Carl, at mukhang hindi ito maingat sa kanyang linya ng trabaho.

Kaya siguro may gumawa ng blog sa Tumbler, na ipinangalang, "Eff You, Carl Wu!" Wala nang mas malinaw na mensahe diyan!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH