Mark Zuckerberg ng Facebook, walang sinabi sa Taiwanese hacker

Isang hacker mula sa Taiwan ang nakadiskubre ng isang bug sa Facebook, at seryosong pinagsabihan ng opisyal na engineer ng naturang kumpanya.

Si Mr. Chang ay isang computer programmer sa Edison Technology. Ang bug na kanyang nadiskubre sa Facebook ay isang depekto na kung saan ay pwedeng i-delete ni Chang ang kahit na anong post ng kahit na sino na may account sa Facebook.

Noong una ay isinubmit ni Chang ang kanyang mga findings sa Facebook, ngunit hindi daw ito binigyan-pansin ng kumpanya.

Para patunayan na tutoo nga itong bug, ay nag-delete si Chang ng iilang mga post sa Facebook ni Mark Zuckerberg, na siyang nag-imbento ng Facebook.

Ayon kay Chang, mula nang maliit pa siya ay mahilig na siyang mag-download ng mga web sites at paglaruan ang mga code. Ayon naman sa awtoridad, ang ginawa ni Chang na mag-hack sa Facebook account at mag-delete ng posts ay itinuturing na cyber crime offence.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH