Nagkarambola ang dalawang kotse at isang sports utility vehicle (SUV) sa Kalayaan Avenue corner Matino Street sa Quezon City kanina.

Sa inisyal na imbestigasyon, mabilis daw ang takbo ng kotse na sumalpok sa SUV. Dahil dito, nabangga ng naturang SUV ang isang kotse sa harapan nito.

May impormasyon din na nagte-text daw habang nagmamaneho ang drayber ng kotse na bumangga sa SUV.

Wala namang nasugatan sa insidente pero may isang nahimatay na isinakay sa ambulansiya.

Masakit din ang ulo ng drayver ng kotse na nabangga ng SUV.

Hindi na nagpaunlak ng panayam ang mga drayber. Inaalam din kung nakainom sila. Pero ang malinaw ay posibleng makasuhan ang driver ng kotse na unang bumangga sa SUV.

Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch the full episodes of UKG on TFC.TV
http://bit.ly/UKG-TFCTV
and on IWANT.TV for Philippine viewers, click:
http://bit.ly/UKG-IWANTV

Visit our website at http://www.abs-cbnnews.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews